Medisina

Zild

Dagat tatawirin, makasama lang kita
Kahit malalim, 'di makakailang
Adik na nga ako sa magara mong amoy
Tama pa ba ito, ang ibigin ka

Kahit laging bumagyo o malunod man ako
Kakayaning lumangoy, dignidad itataboy
Dumaan man sa bulkan o do'n sa kung saan-saan
Kahit na ako'y sugatan, easy lang ang lahat ng 'yan

Halimuyak
Mo'ng hinahanap ko magdamag
'Di masukat
Ang pagitan ng sobra't sapat
Kailangan kita, halika na nga
Medisina (Medisina)

Lindol walang palag kung makasalubong ka
Deretso sa lapag, at kusang hihinto
Ang mga sakuna, matigas ang ulo ko
Mapapahamak talaga ako

Kahit na ako'y ganito, imposibleng huminto
Nauubos din ako, balang araw ay lalayo
Hawak mo 'ko sa leeg, 'di na makakaalis
Pambihira talaga ang mahika

Halimuyak (Halimuyak)
Mo'ng hinahanap ko magdamag
'Di masukat ('Di masukat)
Ang pagitan ng sobra't sapat
Kailangan kita, halika na nga
Medisina (Medisina)

I love you, my medicine
I love you, my medicine
Mahal kita, my medicine
Mahal kita, my medicine
I love you, my medicine
I love you, my medicine
Mahal kita, my medicine
Mahal kita, my medicine


All lyrics are property and copyright of their owners. All lyrics provided for educational purposes only.