Nasa'n Ka, Oh Luna?

Marsmango

Dito ka nalang sa 'king piling, mahal
Dito ka nalang humimbing kahit di magtagal
'Di magsasawa sa liwanag mo, o buwan
Sa dilim ika'y liwanag, aking gabay sa daan
Kaya't sanay pagbigyan, magpakita ka naman

Nasa'n ka, oh luna? Nagtago sa ulap
Na kanina'y lumuluha
Nasa'n ka, oh luna? Nagtago sa ulap
Na kanina'y lumuluha

Tunawin mo ako sa iyong kagandahan
Nang malimutan ko aking kalungkutan
Tanging sa liwanag mo'y hindi mag-iisa
Tanging sa liwanag mo'y hindi mag-iisa

Kailangan mo mang lumisan, maiintindihan
Wala ka man sa aking piling, ika'y nararamdaman
'Di magsasawa sa liwanag mo, o buwan
Sa dilim ika'y liwanag, aking gabay sa daan
Kaya't sanay pagbigyan, magpakita ka naman

Nasa'n ka, oh luna? Nagtago sa ulap
Na kanina'y lumuluha

Nasa'n ka, oh luna? Nagtago sa ulap
Na kanina'y lumuluha

Nasa'n ka, oh luna? Nagtago sa ulap
Na kanina'y lumuluha

Nasa'n ka, oh luna? Nagtago sa ulap
Na kanina'y lumuluha
Dito ka nalang sa 'king piling, mahal
Dito ka nalang humimbing kahit di magtagal

Tracker

All lyrics are property and copyright of their owners. All lyrics provided for educational purposes only.