Iisa Pa Lamang

Joey Albert

Sa dinami-dami ng aking minahal
Panandalian lamang at ilan ang nagtagal
Iisa pa lamang ang binabalikan
Alaala ng kahapong pinabayaan


Sa dinami-dami ng aking nakapiling
Kung sinu-sino ang umibig sa akin
Iisa pa lamang ang inaasam-asam
Ang nakalipas, 'di maaring balikan


CHORUS
At kahit iba na ang minamahal mo
Kung sino man ang siyang may-ari ng 'yong puso
Ang bawat pangalan, kalaro, kaibigan
Iisa pa lamang ang minahal ko nang ganito


All lyrics are property and copyright of their owners. All lyrics provided for educational purposes only.